Sa ika-50 taon ng Culion Foundation, Inc., tampok ang Stories of Hope, mga tunay na kwento ng pag-asa, pagbangon, at pagbabago ng mga benepisyaryo. Isang pagdiriwang ng 50 taon ng malasakit, oportunidad, at paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa lahat.
Isang kwento ng pagkakaisa at malasakit mula kay Susan C. Lucario, President ng Coring Eco-Warriors Association (CoWA), na nakilala ang Culion Foundation, Inc. sa pamamagitan ng mga pagsasanay sa mangrove rehabilitation na isinagawa sa Sitio Coring, Culion, Palawan katuwang ang LGU at iba pang organisasyon.
Sa tulong ng CFI at GForest, naitatag ang Coring Eco-Warriors Association (CoWA), kung saan sama-samang nakapagtanim ang komunidad ng mahigit 40,000 mangroves bilang ambag sa pangangalaga ng kalikasan at proteksyon ng baybayin.
Ito ang #KwentongCFI
#FromIsolationToCelebration
#CFI50 #SustainingGains
#ImpactingLives

