September 8, 2026

Kamusta, KABAYAN? Episode 2: Nagkakaisang KABAYAN

Kamusta, KABAYAN? Episode 2: Nagkakaisang KABAYAN
🌿 𝗞𝗮𝗺𝘂𝘀𝘁𝗮, 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡? | 𝗘𝗽𝗶𝘀𝗼𝗱𝗲 𝟮: 𝗡𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡

Mula sa pagpaplano, tungo sa aktuwal na pagkilos. 🌱💜

Noong Enero 30, pinangunahan ng Culion Foundation Inc. (CFI), katuwang ang mga Peoples Organizations at mga partner mula sa lokal na pamahalaan, ang 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗿𝗼𝘃𝗲 𝗣𝗹𝗮𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗶𝘁𝗲 𝗜𝗱𝗲𝗻𝘁𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁, 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗿𝗲𝗽𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 sa Sitio Demacuang at Sitio Dinaydayan, Barangay Baldat.

Sa pamamagitan ng field assessment, tinukoy ang mga angkop na lugar para sa pagtatanim ng bakawan at isinagawa ang baseline assessment upang mas maunawaan ang kalagayan ng mga bakawan sa lugar.

Ang gawaing ito ay bahagi ng proyektong 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗕𝗮𝗯𝗮𝗲 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗬𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗹𝗱𝗮𝘁 (𝗞𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡), na pinopondohan ng 𝗙𝗼𝗿𝗲𝘀𝘁 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 sa pamamagitan ng 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀–𝗖𝗮𝗻𝗮𝗱𝗮 𝗣𝗮𝗿𝘁𝗻𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗼𝗻 𝗡𝗮𝘁𝘂𝗿𝗲-𝗯𝗮𝘀𝗲𝗱 𝗦𝗼𝗹𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 (𝗡𝗯𝗦) 𝗳𝗼𝗿 𝗖𝗹𝗶𝗺𝗮𝘁𝗲 𝗔𝗱𝗮𝗽𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗣𝗖𝗣𝟰𝗡𝗯𝗦).

Mula sa pagtukoy ng mga lugar hanggang sa pagpaplano ng mga nursery, nabubuo ang mga konkretong hakbang tungo sa layuning makapagtanim ng 𝟮𝟱,𝟬𝟬𝟬 𝗽𝘂𝗻𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗸𝗮𝘄𝗮𝗻. 🌱

𝗕𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗵𝗮𝗸𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝗶𝗵𝗮𝗻, 𝗵𝗮𝗸𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗹𝘂𝗻𝘁𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻. 💜

Abangan ang susunod na 𝗞𝗮𝗺𝘂𝘀𝘁𝗮, 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡?

#KamustaKABAYAN
#KababaihanParaSaKalikasan
#PCP4NbS
#SDG5GenderEquality
#SDG13ClimateAction
#SDG17PartnershipsForTheGoals
#CFI50
#SustainingGains
#ImpactingLives

View Original Facebook Post

Continue reading

Related stories

Catch Us in Your Community: TB ACF Schedule Oct 27-30

Oct 26, 2026

Catch Us in Your Community: TB ACF Schedule Oct 27-30

𝗖𝗮𝘁𝗰𝗵 𝗨𝘀 𝗶𝗻 𝗬𝗼𝘂𝗿 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆: 𝗧𝗕 𝗔𝗖𝗙 𝗦𝗰𝗵𝗲𝗱𝘂𝗹𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟳-𝟯𝟬 From October 27-30, 𝗦𝗶𝗻𝗮𝗴, our Mobile X-ray Van, will be traveling…

Read story
Strengthening TB Prevention in Quezon Province

Oct 26, 2026

Strengthening TB Prevention in Quezon Province

𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗶𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: 𝗦𝘁𝗿𝗲𝗻𝗴𝘁𝗵𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗧𝗕 𝗣𝗿𝗲𝘃𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗲 From October 7 to 9, 2026, healthcare professionals from various local government units…

Read story