𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗕𝗮-𝗚𝗮?📢
Ang 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗮𝘀𝗲 𝗙𝗶𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 o 𝗔𝗖𝗙 ay isang paraan para maagang matukoy ang mga taong may TB sa komunidad, kahit na wala pa silang lumalabas na sintomas.
Bakit may ACF?
▸Para paigtingin ang pagsusuri para sa TB.
▸Para maagang matukoy sino ang may TB at masimulan ang agarang gamutan
▸Para maprotektahan ang pamilya at komunidad
Katuwang ang Philippine Business for Social Progress, ang Culion Foundation, Inc. ay kasalukuyang nag-iimplementa ng mga Active Case Finding (ACF) sa tatlong sites sa Pilipinas: NCR, Calabarzon, at Bicol Region, sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng chest X-ray sa mga komunidad.
𝗞𝗮𝘆𝗮 ‘𝗚𝗮, huwag palampasin! Kapag may ACF sa inyong lugar, sumali at magpa-screening. Maagang aksyon, baga may proteksyon!
#EndTB
#SustainingGains
#ImpactingLives
#CFI50
View Original Facebook Post