𝗞𝗞𝗞: 𝗞𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘄𝗶𝘁𝗲ñ𝗼!
Noong Mayo 29, 2025, naghatid ang CFI ACF Team 4A ng libreng chest X-ray (Active Case Finding) sa Kawit, Cavite — ang makasaysayang lugar kung saan isinilang ang kalayaan ng Pilipinas.
Sa pakikipagtulungan ng Kawit RHU at mga Barangay Toclong health workers, matagumpay na naidaos ang libreng Chest X-ray para sa mga residente.
Bilang pagkilala sa naging suporta ng CFI sa pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan sa komunidad, iginawad ng Kawit RHU ang isang Certificate of Appreciation sa CFI bilang kanilang katuwang sa adbokasiya para sa mas malusog na mamamayan.
Ngayong Araw ng Kalayaan, ginugunita natin ang ating mga bayani hindi lamang sa alaala kundi sa pagkilos — sa pamamagitan ng pagsusulong ng abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Pilipino, lalo na sa mga komunidad na mayaman sa kasaysayan at diwa ng bayanihan.